MARCH 31, 2012

Pinakamasakit na araw para sa akin ngayon. 

Di ko na alam gagawin ko, nagkakapatong-patong na. Di ko na alam gagawin ko.

Makitid.

Kilalang-kilala ko ang sarili ko. Ibang klase ako pag nasasaktan, parang nagiging “hilig” ko ang mag-ipon ng galit, hinanakit, inis, at kung anu-ano pa. Aminado naman ako na hindi naging madali sa akin ang dumaan na dalawang buwan. Parang natuto akong magtanim ng galit. Siguro dahil hindi ko kayang ilabas lahat dahil ikalalaki lang ng away.

Sa loob ng dalawang buwan, pinilit kong umintdi. Pinilit kong pagtakpan. Pinilit kong ayusin. Pero sa lahat ng mga nangyayari, nakakapuno. Parang  binigyan mo na nga ng second chance, hindi pa rin matuto. Nakakagalit na.

Una, masakit masabihan ng gantong mga salita, “Anong ginawa mo sa kaibigan kong minahal ko?”, “Parang dati ako laging nauunang sabihan (kung sakaling may mangyari man).” Kung para sa kanila, wala lang yun, Well, hindi sa nagiging OA ako pero, nasaktan ako. Sa buong pa-aakala ko kasi eh nung panahon magkakasama tayo ay magkakaibigan tayo lahat. Tanggap ko naman na mas-close kayong dalawa pero ang iniisip ko lang. Bakit mo tinatanggalan ng karapatan na maging malapit sa kanya?  Parang dito pa lang, nagiging selfish ka na.

Ikalawa, sa buong pagkakaalam ko, hindi talaga ako ang pinakadahilan kung bakit may mga taong lumayo. Kundi ikaw. May mga rason na dahil “Ikaw” ang nakaka-OP, may mga iwanan at yung pinakamatindi, naging selfish. Naging selfish DAHIL, muli, tinanggalan mo ng karapatan na maging malapit pa sa amin ang ISA ko naman talagang MALAPIT na kaibigan. Usapan na lang siguro ay tiwala. Bakit mo gustong hindi namin siya isama? Di ka ba nagtitiwala na hindi ka niya mapapalitan? Dahil ba threatened ka? 

Ikatlo, sa lahat siguro ng mga taong nakakasama ko, siguro kahit mga lima hanggang anim na beses, madali akong mabadtrip. Aminado naman siguro ako na mainitin ko nitong mga nagdaang araw, siguro dahil sa tambak-tambak na mga gawain. Pero ang dahilan ng mga lalo kong kinaiinis ay yung mukha mo. Mukha mong laging badtrip. Lagi ka na lang may nasasabi. Tawa dito, “May something”. Bulong dito,  ”May something”. Magsama-sama kaming apat,  ”May something”. Nakakapagod kang intindihin. Nakakapagod kang pakinggan. Nakakapagod kang kasama. Imbes na mapagaan mo yung pakiramdam dahil may isag “kaibigan” na andyan, lalo mong pinabibigat. Parang bang hindi na ako kumportable kapag nandyan ka. Nakakainis na kapag nandyan ka. gusto ko man tumahimik kahit na sabihin man nila sa akin mga sinasabi mo, nakakinis lang. ang kitid mo mag-isip. Di ko alam bakit mo naiisip yan. Napaka-selfish mo.

Kung sinasabi mong nasasaktan ka, ngayon pa lang sinasabi ko sa’yo na ikaw lumagay sa pwesto at pakiramdaman mo lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Lahat ng ginawa mong kagaguhan at kaartehan sa akin bumabanda. Tangina lang.

Kung sinasabi mo na nasasaktan ka ngayon, katangahan yan. Oo, sinasadya ko talagang saktan ka habang nagsasaya. Sa totoo lang, di ko naman pinipilit maging masaya. MASAYA TALAGA dahil kasama ko sila. Katangahan na lang dahil ikaw ang naglayo sa sarili mo sa mga kasama kong nagpapasaya sa akin. Yung mga tumutulong na di ko matuluyang maramdaman lahat ng binabanda mong kagaguhan sa akin.

Lesson Learned: Wag OA. Wag selfish. Lahat tayo may KARAPATAN para maging kaibigan lahat ng gustuhin natin maging kaibigan. Yung mismong tao lang ang may karapatan tumanggi. Wag mong ilayo ang sarili mo sa mga tao kung gusto mo lang ipa-realize yung presensya mo, baka tuluyan lang silang mawala. Lalo na kung nakakasawa kang intindihin at kausapin.

Tags: hard

Natalo ako.

“Ang gusto ko lang naman sa buhay ko ngayon ay pakinggan at intindihin ako. Sawang-sawa na kasi akong makinig, intindihin at mag-adjust sa mga maling nagagawa ng tao sa paligid ko”

Naghangad ako na kahit papaano mangyari yan, pero nasawi lang ako.

Hindi ko alam kung mali ba na magkaroon ng “bagong” kaibigan. Bago, hindi na sila ay bago. Bagong sinasamahan. Siguro nga masama, pero kung nakalimutan mo yung mga dati mong sinasamahan. Iniisip ko lang, sa totoo lang. Bago pa man nangyari ang lahat. Wala naman talaga akong iniwan. Pinipilit kong maging ok ang lahat. Ang sakit lang bakit hindi nila nakita yun. Tao lang ako kaya siguro napagod ako, napilitan akong bumitaw. Bakit ka nga naman kakapit pa sa lubid kung napigtal na sa pinagkakabitan nito?  Bakit nga ba? Noon, iniisip ko baka siguro may masabitan yung tali. Iniisip ko nun, baka maayos pa. Pero wala, papasayad na ang katawan ko sa lupa bago pa man ako bumitaw.

Ang masakit pa, parang mukhang-mukha akong hindi naging mabuting kaibigan sa kanila. Kahit siguro yung maliliit na sakripisyo ko para sa kanila hindi nila napuna. Hindi naman sa nanunumbat, nakakasama lang ng loob. Nanduon na ako na may mga bagay akong nagawa na nakasakit ng sobra sa kanila noon man o ngayon. Pero iniisip ko, bakit ako lang?  Bakit ako lang yung nagmumukhang may kasalanan. Asan na yung mga kasama ko nun na ginawa din ang mga bagay na yun. Bakit ako lang ang hindi naging mabuting kaibigan? Ako lang ba ang hindi totoo? Baka nga ako lang. Baka nga.

Kung may sisihin man sa nangyari hindi ako. Hindi ako ang nang-isolate. Hindi ako. Kung nasasaktan man sila ngayon dahil masaya ako sa iba. Humihingi ako ng tawad, tinalikuran ko na sila dahil alam kong una pa lang tinalikuran na rin nila ako. Akala ko masaya na sila. Pero sila kaya nilang humingi ng tawad sa nagawa nila sa akin? Sa pagkakaalam ko, kahit mukha akong gago, nasasaktan din ako. 

Masayang-masaya ako kung ano man ang meron ako ngayon. Masaya akong kasama ko sila. Naniniwala akong masaya rin sila pag kasama nila ako. Hindi naman sa nanunumbat ako, pero sa kanila ko naramdaman na mahal na mahal ako. Parang ba ako na yung inaalagaan. Minsan nga, nakakahiya na, parang bine-baby na nila ako. Sana dumating ang panahon na maibalik ko ang lahat ng nagawa nila sa akin ngayon. Mahal na mahal ko sila. Ngayon, masasabi kong wala akong pinagsisihan.

Tags: hard

Di rason ang kagalitan mo ang isang tao nang dahil lamang sa inggit. Nakakamatay ang inggit. 

Kung inggit ka, wag kang mandamay ng ibang tao. Wag mo silang hikayatin na kagalitan din ang mga taong kinaiinisan mo. Nagmumukha ka lang desperada. Pinamumukha mo na kawawa ka, at naghahanap ka ng kakampi.

Dadating din ang oras na magigising din yang mga taong nilalason mo at matitira sa’yo, walang iba, kundi puro inggit, kalungkutan. Higit sa lahat, wala ka ring tunay na kaibigan. 

Wag kang magpadala sa mga sinasabi mong totoong kaibigan dahil nadadala lang sila ng emosyon nila kaya sila kumakampi sa’yo. Dadating din ang araw na matatauhan sila. 

Kabahan ka na. Kabahan ka.

Ang gago ni Bryan Bantigue.

Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko ngayon. 

Dear Present Bryan Bantigue,

Alam kong napakabigat ng araw na ito para sa’yo. Dala ng pagod, puyat, at sari-saring isyu na kinasasangkutan mo. Munting payo lamang. Una, Hindi lahat ng taong kakatuwan mong kasaluha ay katulad ng mga kabarkada mo. Iba sila, wag mong abusuhin ang kabaitan na binibigay nila sa’yo. 

Ikalawa, di ko man sinasabi na lubusan kang magbago pero siguro mas makabubuti kung hinay-hinay lang. Nasa ikabubuti mo rin yan. Pakalmahin mo palagi ang sarili mo. Wag masyadong magpadala sa sobrang saya, stress, at galit. Nakakasama lang ito sayo.

Ikatlo, kahit ganun pa man ang sitwasyon. Matuto kang tumimbang. Hindi sa lahat ng oras aakuin mong ikaw ang may mali. Hindi masam magbaba ng pride, pero sana sa pagbaba nito, di naman masira ang pagkatao mo.

Hay buhay.

-Bee

Practice Set - Biology: 31/50 

WTF! WTF! WTF!

PROMISE.

If I get a percentile rank of 70+%, I’ll go for Med School. If hindi, mag-masteral na lang ako.

Dear Future Bryan Bantigue,

Pandindigan mo lahat ng sinabi mo ha. Naniniwala akong kaya mo yan NMAT mo bukas. Go!

Laging tandaan: Kung mababa ka man sa una, may dalawa pang try. Makakabawi ka pa. Pero yung promise mo, hanggang first try lang ha.

Nagmamahal, Bryan Bantigue ng kasalukuyan.

Ang hirap ng feeling na gusto mong gawin yung tama pero may humihila sa’yo pabalik. Gawin ko man ang tama o hindi, meron parin masasabi.

Personal. Kung ako lang ang tatanungin, gustong-gusto kong sabihin na. Unfair eh. Sinong matutuwa. Ayos lang siguro kung hindi yung eksaktong yun, formula, clues, terms, pero kasi ayun na yun sagot eh. Kinabisado lang. Nakakainis. 

Presidente. Dahil Presidente ako, kailangan kung maari, sa loob na lang ng klase maayos. Kahit sila may mali, ako pa rin yung tungkuling magpakumbaba. Lalabas, ako pa yung magmamakaawa na wag na nilang gawin yun. Di ko naman kasi ugali na ganun, pero kailangan. 

Lagi na lang, KAILANGAN. Kahit di pa ako yung President, laging kailangan kong gawin kasi… kailangan kong gawin. Nakakaloko na. Magdedesisyon ako, may sang-ayon, may hindi. Magdedesisyon ako, may matutuwa, may magagalit. 

Akala kasi nila, ang dali-daling magdesisyon. Akala kasi nila, ok lang sa akin palagi. Lagi na lang akala nila, paano yung akala ko. 

Di ko alam kung sinong eksaktong tao ang makakaintindi sa akin panahong to. Yung panahong wala akong ginawang masama, ako pa nakakaramdam na ako pa yung may mali. Kailangan ko lang talaga ilabas to sa sistema ko. 

Ngayon, alam ko na.